Maaari kayong humingi ng refund sa loob ng 24 oras matapos ang anumang bayad para sa buwanang plan, credit pack o top-up. Kasama rito ang buwanang renewal. Hindi ninyo kailangang magbigay ng dahilan.
Ire-refund namin ang hindi nagamit na bahagi ng bayad na iyon, kasama ang anumang buwis na siningil dito. Kung wala pa kayong nagamit sa credits na nabili nito, maibabalik sa inyo ang buong halaga. Kung may nagamit na kayo, ibabawas namin ang bahagi ng mga iyon.